Janelle Manahan nagpaayuda na sa DFA vs Ramona Bautista

PORMAL nang lumapit sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang aktres na si Janelle Manahan, para hilinging pabalikin na sa bansa ang kapatid ng kanyang pinaslang na kasintahan na si Ramgen Baustita.

Ginawa ni Manahan ang hakbang nang mag-isyu na ng warrant of arrest si Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 274 Judge Fortunito Madrona laban kay Ramona Bautista.

Ayon kay Manahan, si Ramona ang natatanging suspek na nakalalaya pa sa pagpatay kay Ramgen kaya marapat lamang na pauwiin na ito sa bansa at harapin ang kanyang kasong frustrated murder.

Hinilin din ng aktres ang agarang pagkansela sa pasaporte ni Ramona at ideklara ang salarin na illegal alien.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply