JC de Vera at Danita Paner nagbalikan na naman (Bago?)

HABANG isinusulat namin ito ay kinukuha namin ang kumpirmasyon kung totoo ang balitang nag-resign diumano si Direk Bobet Vidanes para sa noontime show na ‘Showtime’.

How true na hindi sila magkasundo ni Vice Ganda at hindi na siya sinusunod?

Just asking?

-0o0-

Nagbakasyon kami sa Boracay nu’ng Holy Week sa La Carmela De Boracay ni Mr. Boy So.
Naka-check–in rin dun ang Tween actor na si Derrick Monasterio, ang kanyang ina na si Tina Monasterio at dalawang kapatid na babae.

Ang lakas ng arrive ng young actor dahil saksi kami na maraming nagpapa-picture sa kanya pag nasa baba ng La Carmela. Maraming nakakikilala kay bagets.

Ilan sa mga ginawa niya sa Bora ay umakyak sa bundok gaya sa Mt. Luho Viewing Point, sumakay sa flying fish at mag-island hopping.

Mas sumaya sa La Carmela De Boracay nang makita rin namin sina Shalala, John  Nite at ang grupo ng kaibigang Jobert Sucadito na naka-check in rin dun. Ganoon din ang pamilya ng kaibigang Vinia Vivar at Julie Bonifacio-Gaspar.

Sa Boracay din nagbaksyon si Allan K at nakasabay namin sa airport. Pagkagaling niya sa San Francisco ay dumi- retso na siya agad dun.

‘Yun na!

-0o0-

Binulutong pala si JC de Vera nitong nakaraang birthday niya.

Binati siya ni Danita?

“Oo naman, nagpadala siya ng cake.

“Isa siya sa mga nagpadala ng birthday cake kaya nung birthday ko wala akong ibang kinain kundi cake,” sabay-tawang muli ni JC. “Iyon lang ang pagkain sa bahay, cake!”

Hindi raw totoo na nag break sila ni Danita, ayon sa bali-balita.

“Sino nagsabi? Hindi.”

May mga nakakikita kasi sa kanila na magkasama.

“The last time na nagkita kami nanood lang kami ng sine. Oo, kaming dalawa lang.”

So walang nabago?

“Meron naman. Hindi lang siyempre katulad dati na yung attached ka talaga.”

Bakit nga ba sila nag-break?

“E amin na lang yun, amin na lang yun.”

Pero dating pa rin sila…

“Dating, ano ba yung ano ng dating? Puwede ba yung nag-usap lang, yung ganun pero sa sinehan, yung nagbubulu- ngan lang sa sinehan,” at muling tumawa si JC.

Hindi nila pinag-uusapan ni Danita ang pagbabalikan.

“Sa ngayon kasi sa tingin ko nae-enjoy naming dalawa yung nagkukwentuhan, yung nagtatawanan, di ba? Kaya wala namang naging problema kung magkasama kami kasi masasabi mo puwede kaming maging magkaibigan or more than friends di ba?”

Anyway, sa Twitter Account may mga larawan sila na magkasama hanggang sa isang beach sa La Union ngayong nakaraang Holy Week.

-0o0-

Napakinggan namin ang bagong album ng J Brothers entitled ‘Jamming’ na binubuo nina Jay at Jim Jimenez. Havey at bongga ang nilalaman nito.

Ka-duet nila rito sina Renz Verano, Jerome Abalos, and DZBB’s Gani Oro; plus pop-indie youngbloodsYnstynk, Reloaded, Louise Tolibas, and Zari Bilon.

“We’re so happy and fulfilled with the release of this album; it’s a dream project for me to collaborate and share the mic with our contemporaries Renz and Jerome. Our songs were played back-to-back by radio stations back in the late 90s, and now you can hear us together in one song…”, bulalas ni Jay.

Madalas mapakinggan ngayon sa radio ang kanta nila ni Renz na Sana ay Ako. Aura naman ang titulo ng kanta nila ni Jerome Abalos.

“It’s great to hear a true veteran rocker like Jerome singing rock ballads again.

This style of music is an all-time Pinoy favorite. Jason rocks it out with heart and soul,” sambit pa ni Jim.

Kung Minsan, the track released as a radio single is now enjoying massive airplay in mainstream pop radio sta- tions. This song was written by Jay as an entry submitted
to the upcoming KBP Song Festival.

Ang J Brothers ay rting tatlo — Joy, Jay, and Jim. Pero nasa Japan ngayon ang Kuya Joy nila. Sila ang nagpa- sikat ng kantang Sana’y Bigyan Mo Ng Pansin, Dear Ana, Wait For Me, Baby I Love You, Labanan Natin Ang Tukso, Kung Sakaling Ikaw Ay Lalayo and more.

Then they sprang back in 2006 with a super infectious dance-reggae novelty Pasaway which became a massive lo- cal lingo expression and created an LSS (last-song-syndrome) frenzy.

Ang Jamming ay 6th studio album nila at available na sa record bars.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply