Jed Madela, diva na mala-Dulce ang dating sa MTV soundtrack ng Walang Hanggan

KAHIT pa gaano kami ka-busy, pagtungtong ng 8:45 PM nakatutok na kami sa panonood ng isa sa favorite naming teleserye sa Kapamilya network na Walang Hanggan. Hanep naman kasi sa ganda ng istorya ang seryeng ito nina Coco Martin, Julia Montes, Paulo Avelino, Dawn Zalueta, Richard Gomez etc.

Kapag in-love ka at pinanonood mo sina Coco at Julia, talagang maki-carried away ka sa kanilang mga eksena rito. Yes, walang hanggang pagmamahalan at pag-ibig ang sentro ng kuwento ng obrang ito nina Direk Jerry Sineneng at Trina Dayrit. Malugod naming binabati rin ang buong team kabilang na ang mga writers nito at mga executives na in-charge sa production na sina Sir Deo Edrinal at Julie Ann Benitez. Cheers sa big success ng series n’yo na hanggang ngayon pinakakain nang alikabok sa rating ang katapat na Legacy ng GMA 7. Si Dawn Zalueta, kahanga-hanga rin hindi lang ang acting kundi ang walang kupas nitong ganda.

Pero may komento lang kami sa lahat ng kumanta ng soundtrack ng Walang Hanggan, dito lang kami kay Jed Madela masyadong nade-distract. Kasi divang-diva ang dating nito at kopyang-kopya ang biriterang beteranang singer na si Dulce sa MTV ng version nitong Ikaw Lang Ang Mamahalin as popularized by Joey Albert. Sana, maging maingat naman itong si Jed lalo pa’t matagal ng kino-question ang kanyang gender no? Konting diet rin dahil nagiging tabatsina ka na. Pls listen gyud!

***

Baguhang Sexy Actress Na Si Yam Concepcion Mapapansin Sa Rigodon

Kung napanood nyo ang very touching na Globe Telecommunications TVC ng baguhang young sexy actress na si Yam Concepcion na pinalabas sa malalaking TV networks last year, makikita nyo roon ang kanyang sensual beauty at husay niya sa kanyang crying scene.

Kaya naman dito sa first film ng new talent ni Ms. Claire dela Fuente sa Viva Films and Reality Entertainment na Rigodon, tiyak na mapapansin siya nang husto ng publiko.

Grabe! Ang tindi at lakas ng sex appeal ni Yam at filipina beauty ito like Joyce Jimenez. Kaya kapag naipalabas na ang kanyang movie, tiyak na siya na ang bagong Pantasiya ng Bayan. Titulo na rating hawak ni Joyce Jimenez. Siyempre, hindi lang sa pelikula isasalang ni Claire ang alaga kundi hahanapan niya rin ito ng TV projects¬† like her talents Sam Pinto, Bela Padilla and Meg Imperial. Bibigyan rin ito ni Boss Vic ng mga panibagong pro- duct endorsements. Actually, malaki ang hawig ni Yam kay Angel Locsin. Look n’yo ang ipa-publish naming photo rito sa aming Hot Chika kolum at kayo na ang bahalang humusga kung tama kami. Keep it up girl and good luck gyud!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply