Jersey nina Rose, Lin sa NBA patok na patok

PATOK na patok at pinakamabenta ngayon ang jersey nina NBA reigning MVP Derrick Rose at New York Knicks sensation Jeremy Lin.

Ang jersey ni Rose ang nangunguna sa bentahan habang ikalawa naman ang kay Lin.

Instant sikat si Lin matapos magmarka ang pangalan niya ngayong season ng NBA. Dagdag pa ang pagkakasama niya bilang isa sa mga most influential people sa mundo.

Ang naturang listahan ay ibinase sa pumasok na benta mula noong April 2011 hanggang ngayon.

Pinakapumatok ang number 17 jersey ni Lin noong Pebrero at Marso nang halos pasanin niyang mag-isa ang Knicks sa pitong sunod na panalo.

Pangatlo naman sa bentahan ng jersey si LA Lakers star Kobe Bryant, ikaapat ang jersey number 6 ni Miami Heat LeBron James habang ikalima naman si Carmelo Anthony.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply