Jessica Sanchez muntik matuldukan ang Idol journey

MUNTIKAN nang matuldukan ang Idol journey ni Jessica Sanchez.

Ito ay matapos sagipin ng tatlong Idol judge ang Fil-Mexican makaraang makakuha ng pinakamababang boto sa kabila ng mahusay na performance niya kahapon (Abril 12) nang awiting “Stuttering” ng American jazz/RnB singer na si Jazmine Sullivan.

Muling pinaawit ang si Jessica at pagkatapos nito ay nagdesisyon ang Idol judges na sagipin ang dalaga.

Nakasama ni Jessica sa bottom 3 ang teacher na si Elise Testone at ang tanging nakakuha ng standing ovation na si Joshua Ledet.

Sa American Idol, kahit mahusay ang performance ng contestant ay nakabase ang resulta ng elimination sa online at text voting.

Magugunitang isa si Jessica sa napipisil na manalo sa pinakasikat na singing contest sa mundo matapos mapahanga ang buong Amerika sa mga nakalipas na performance niya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply