Jessica Sanchez overqualified — Akon

“OVERQUALIFIED!” Ito ang sinabi ni R&B star Akon sa Filipino-American na si Jessica Sanchez kaya naman nais na niya itong matanggal sa American Idol.

Sa pagdalo ng R&B singer sa Billboard Latin Music Awards sa Miami, sinabi niya na nais na niyang ma-eliminate si Jessica sa AI para makuha na niya ang dalaga bilang singer.

“I know I shouldn’t be saying this, but I kind of want her to get voted off so I can sign her,” wika ni Akon. “She’s beyond the talent that’s supposed to be there. I think she’s overqualified, I really do.”

Bilib si Akon kay Jessica dahil sa edad na 16-anyos ay super galing na nito sa pagkanta at hinihilera na kina Whitney Houston at Mariah Carey.

“And she’s only 16,” dagdag ng singer. “Like, I’ve been around a lot of superstars. I haven’t seen anyone at that age sing like that.”

Samantala, pasok na si Jessica sa Top ng AI kasama sina Joshua Ledet, Skylar Laine, Hollie Cavanagh at Phillip Phillips.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply