Jessica Sanchez umabante sa top 6 ng American Idol

UMABANTE na ang half Pinay na si Jessica Sanchez sa Top 6 ng American Idol.

Sa elimination round ngayong gabi (umaga sa Pilipinas) hindi napabilang sa bottom 3 ang 16-anyos na Pinay (mukhang sinunod ng mga voter ang payo ng mga Idol judge na iboto ang mga karapat-dapat).

Tuluyang natuldukan ang Idol journey ng guwapong si Colton Dixon, 20, ng Murfreesboro, Tennessee.

Nakasama ni Colton sa bottom 3 ay ang teacher na si Elise Testone (28, Hometown: Charleston, South Carolina) at ang bokalistang si Hollie Cavanaugh (18, McKinney, Texas).

Naligtas naman agad sina Jessica, Joshua Ledet, (19, Westlake, Los Angeles), Skylar Laine (18, Brandon, Mississippi) at Phillip Phillips (21, Leesburg, Georgia).

Abangan ang susunod na performance night next week habang sa May naman ang finals!

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply