Joint exploration sa Spratlys iginiit Recto

HINIKAYAT ni Sen. Ralph Recto ang Palasyo na seryosohing ikonsidera na makipag-usap sa China, hindi sa pamamagitan ng diplomatikong protesta, kundi sa pamamagitan ng posibleng joint exploration agreement sa Spratlys Island.

“Sa bawat stand-off, lalo lamang lumalala ang tensiyon sa teritoryo at wala tayong napapakinabangan – zero. Pero, puwede tayong gumamit ng bagong taktika sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa posibleng joint exploration nang hindi nasasagasaan ang ating sobereneya,” paliwanag ni Recto.

Sinabi pa ni Recto na maaaring gamitin ang panibagong taktika sa harap ng lumalalang tensiyon sa South China Sea matapos madakip ang ilang Chinese poachers sa Scarborough Shoal na iniligtas ng Chinese military vessels.

Iginiit pa ng senador, na hindi na dapat hintayin pa ang pagkampi ng ASEAN sa Pilipinas dahil nakikipagkalakalan ang miyembro nito sa China.

Aniya, isang praktikal na solusyon na lamang ang posibleng joint exploration deal sa buong Spratly para sa gas at iba pang likas na yaman.

“I’m not saying that we back track from our claim. In fact, we should do it relentlessly. But while the natural finds of Spratlys lay underneath, idle and untapped, a joint exploration appears to be the more logical engagement with China,” giit ni Recto.

“The engagement policy should be pegged on how both countries could benefit from the subterranean wealth of Spratlys — not on how fast each country could annihilate each other in case mad men from both sides take over,” dagdag pa niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply