JPE kinontra ni Chiz sa krisis sa elektrisidad

MISTULANG sinalungat ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang pananaw ni Senate President Juan Ponce Enrile na posibleng magkaroon ng power crisis sa Luzon at Visayas tulad nang nararanasan ng Mindanao dahil baka matuyuan ang mga hydro-electric dam.

“I don’t think so. Malabong magkaroon ng power crisis sa Luzon tulad ng nararanasan ngayon sa Mindanao,” ayon kay Escudero.

Aniya, sa kanyang pagkakaalam ay may nakareserbang power supply sa Luzon at maging sa Visayas kahit na maubusan ng tubig ang mga hydro-electric power plant dahil mayroon pang ibang power plant na makapagbibigay ng kuryente.

“As far as I know, we have more than enough reserve generation. In fact, sometimes our reserves reach 2000 MW for Luzon and 500 MW in Visayas and if needed we can move power between Luzon and Visayas and vice versa,” paliwanag ni Escudero.

Ayon pa kay Escudero, sa Disyembre 2012 ay sisimulan ang operasyon ng may 600 MW new coal fired plant sa Luzon.

Naunang nagbabala si Enrile na baka maranasan din ng mga taga-Luzon ang nararanasan ngayon ng mga naninirahan sa Mindanao, kung saan araw-araw ay nawawalan ng kuryente ng dalawang oras o higit pa dahil na rin sa kakapusan ng power supply.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply