JPE: West Phil. Sea issue talakayin sa executive session

INIREKOMENDA ngayon ni Senate President Juan Ponce Enrile na dapat sa executive session na lang malalimang talakayin ang mga usapin kaugnay sa West Philippine Sea (South China Sea).

Ipinaliwanag ni Enrile kanina sa pagdinig ng Senate committee on foreign relations na pinangungunahan ni Sen. Loren Legarda, na kung magiging bukas sa publiko ang mga mapag-uusapan ay tiyak na makaaabot ito sa China at iba pang bansa na umaangkin sa mga pulo sa West Philippine Sea.

Sinang-ayunan naman ng buong komite ang rekomendasyon ni Enrile.

Dahil dito, magagaang usapin lamang ang tinalakay tulad ng development sa West Philippine Sea.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply