JuanMa aapela sa suspensyon

TULUYAN nang ikinasa ng Puerto Rican Professional Boxing Commission ang isang taong suspensiyon laban kay dating two-division champion Juan Manuel “JuanMa” Lopez.

Bukod sa naturang parusa, hinagupit din si Lopez ng $10,000 fine at 100 hours ng community service dahil sa akusasyon na gambler si referee Roberto Ramirez kaya inawat nang maaga ang laban niya kay in the ring Orlando Salido noong March 10.

Ang mga naturang parusa ay katulad ng inirekomenda rin ni examiner Alberto Arroyo.

Ayon naman Peter Rivera, vice president ng PR Best Boxing Promotions, i-aapela nila ang sanction kay Lopez dahil masyado itong matagal.

Subalit binanggit naman na maaaring makalaban na si Lopez sa ibabaw ng ring sa May 10, 2013.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply