Julaton babawi kay Segura

MAKIKIPAGSUBUKAN si three-time female boxing World Champion Ana “The Hurricane” Julaton kay hard-hitting Mexican KO artist Yolanda “La Negra” Segura sa Kanasin, Yucatan, Mexico sa May 4.

Makaraan ang kanyang kontrobersyal na WBO super bantamweight title defense sa Argentina kay hometown girl Yesica Marcos, nais ni Julaton na mabawi ang korona bilang female world champion sa pakikipagtuos niya sa mapanganib na si Segura.

Kung papalarin, nais ni Julaton na magkaroon ng rematch kay Marcos para makuha niya ang kanyang nawalang titulo.

Bukod pa rito, balak din ni Julaton na hamunin si WBA super bantam champ Jackie Nava ng Tijuana.

Sinasanay si Nava ni Mexican legend Erik Morales sa sparring at dedepensa ng korona kay Diana Ayala isang araw pagkatapos ng laban ni Julaton.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply