‘K to 12’ ng DepEd ilulunsad ngayong araw

NGAYONG araw na ilulunsad ng Department of Education (DepEd) ang kanilang “K to 12 Program’ sa Malakanyang.

Ang nasabing kaganapan ay pangungunahan ni Pangulong Bengino “Noynoy” Aquino III.

Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na nakatakda rin nilang ilunsad ang enhanced curriculum ng “K to 12 Program” para sa grade one at first year high school.

Inamin din ni Luistro na kakailanganin pa ng ahensya ang mahigit P60 bilyon para matustusan ang naturang programa.

Layunin ng DepEd at gobyerno na talakayin ang education enhancement sa pamamagitan ng pagdaragdag ng taon o school year sa elementary at high school.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply