K+12 maayos na maipatutupad – Palasyo

KUMBINSIDO ang Malakanyang na maayos na maipatutupad ang K+12 basic education curriculum sa school year 2012-2013.

Ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte, magsasagawa ng in-house training ang Department of Education para sa mga gurong nasa serbisyo sa ngayon.

Sinabi ng opisyal na sa Manila Public School Teachers Association na ipagpaliban muna ang pagpatutupad ng programa hanggang lubusang mapaghandaan ng mga guro.

Magkakaroon din aniya ng pre-training para sa K+12 curriculum ang bagong mga guro.

Ayon sa kanya, malakas ang tiwala ng Palasyo na maipatutupad ng mga guro ang K+12 sa darating na pasukan.

“Our teachers are quick to learn and the training is continuing. The DepEd will provide necessary support and assistance to them,” aniya.

Noong nakaraang taon, inihayag ng DepEd na handa na silang ipatupad ang programang K+12, na nagdaragdag ng dalawa pang taon sa kasalukuyang 10-taong basic education program.

Sa halip na anim na taon sa elementarya at apat na taon sa high school, magiging anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school, at dalawang taon para sa senior year.

Samantala, inaasahang makatutulong ang dagdag na dalawang taon sa senior high school sa paghahanap ng trabaho ng mga mag-aaral.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply