Kaanak na may negosyo sa DPWH ilalantad

MATUTUKOY na kung sino sa mga opisyal at empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang may mga kaanak na kontratista at nagpapasok ng negosyo sa loob ng kagawaran.

Ito ay matapos maglabas si Public Works Secretary Rogelio Singson ng paalala sa mga kapwa public servant na ilantad sa publiko kung may mga kamag-anak sila sa pribadong sektor na may transaksyon sa kagawaran sa nakalipas na limang taon.

Ayon kay Singson, bukod sa pagsusumite ng taunang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), dapat din magbigay ng listahan ang mga opisyal at kawani ng panibagong listahan kung saan nakalagay ang mga pangalan ng kaanak na may negosyo sa loob ng tanggapan, kabilang na ang mga kontratista, supplier ng mga kagamitan at pagkain.

Inatasan din ni Singson ang mga opisyal at kawani na isumite ang karagdagang listahan bago ang araw o bago sumapit ang Abril 30, kasabay ng pagbibigay ng SALN.

Layunin ng paalala na matiyak ang pagiging tapat at sumusunod sa batas laban sa katiwalian ang mga opisyal at kawani ng DPWH.

Ginawa ni Singson ang paalala kasunod ng mga tinatanggap na sumbong na may mga opisyal at empleyado sa kagawaran ang umaakto bilang mga tagapamagitan sa kanilang mga kamag-anak na kontratista upang matiyak na mapupunta sa mga ito ang mga pagawaing-bayan na ipinatutupad ng tanggapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply