Kabaklaang isyu magagamit sa 2 politiko

HINDI pa pala dismissed ang libel case laban sa aktres at ilang reporters. Naka-pending lang ang preliminary investigation and reinvestigation. Kaya mali raw yung sinasabi ng mga akusado na tapos na ang kaso.

Ewan natin kung bakit ayaw manahimik ng dalawang politiko na ‘to. Para bang nasira ang reputasyon nila sa ganong tsismis kaya nanggagalaiti sila na maituloy ang kaso. Eh, sila rin naman ang nagpalaki ng isyu dahil sa mga pinaggagawa nila. Gusto pang isama ang ibang politiko sa kanilang laban. Mabuti na lamang at sinopla sila ng aktor/politician.

Plano ba nilang gamitin ang aktres at mga kasama nito para sa nalalapit na election? Kung kami sa kanila, tatahimik na lang kami. Baka imbes na makatulong sa kanila ang isyu na ‘to ay makasama pa at magamit na sandata laban sa kanila ng kanilang mga kalaban. Hindi ba’t nakahihiyang ipambala sa kanila ng kanilang mga katunggali sa pulitika ay itong tungkol sa kabaklaang usapan? Cheap!

***

Ginagamit na panghatak sa manonood ang victory party

GINAGAMIT lang daw ng Viva Films na gimik ang victory party ng pelikulang Moron 5 and the Crying Bakla para akalain ng publiko na kumita talaga ito. Susme! Sa ilang SM branches na napuntahan namin wala man lang kaming nakitang pila.

Ayon sa ilang movie scribes, ito raw ang pinakamahinang pelikula ni Direk Wenn Deramas. Oo nga’t magaling siyang direktor. Kwela ang kanyang mga pelikula. Pero pagdating kay John Kulapos ay nasayang ang kanyang midas touch sa takilya.

Matutuwa ka ba namang manood sa isang pelikula kung ang makikita mo ay isang baklita na hitsurang halimaw sa banga?

***

Puwedeng maibenta ang GMA kay MVP depende sa presyo

SINASABI ni Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr. ng GMA network na hindi raw totoo na ang dalawa sa tatlong (Felipe L. Gozon and Menardo Jimenez) three major stockholders ay pumayag ng maibenta yung 33 percent ng network ownership kay Mr. Manny Pangilinan hanggang P45 billion.

Dinagdag din nito na ang major and controlling shareholders ay hindi pa nakatatanggap ng presyo na katanggap-tanggap para sa kanila.

“We are presently not in serious negotiations with the PLDT group as we have not yet received an offer price that is acceptable to us. The Network is not for sale but that is not to say it may not be sold, depending on the offer price,” sabi ng Mr. Duavit.

Naku, kapag ang bulkan ay may mga unti-unti ng paglindol, ang kasunod n’yan ay major eruption na. Kagaya ng balita sa bentahan blues sa GMA na hindi mamatay-matay. Si MVP pa, hindi siya papayag na kapiranggot lang ang aariin niya sa nasabing network. Magbibigay siya ng mas magandang presyo siyempre para mapapayag na ang tatlong haring mago, este, ng Kapuso.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  -#09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply