Kabit ni misis kinatay ni mister sa Surigao

HALOS maghiwalay ang katawan ng isang lalaki nang pagtatagain ng mister na nagselos sa una dahil sa pakikipagrelasyon sa kanyang misis sa Purok 2A, Poblacion, Lingig, Surigao del Sur.

Patay agad ang biktima na si Stephen Macalos Saquin, 31, matapos pagtatagain ng maraming beses ni Melito Ambayec Real, 28.

Nag-ugat ang pananaga ng suspek dala ng sobrang selos nang malamang may relasyon ang kanyang misis sa biktima.

Naglalakad si Saquin nang bigla na lamang atakehin ng itak ng suspek.

Kusa namang sumuko sa Lingig police ang suspek matapos ang krimen.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply