Kaguluhan sumiklab sa demolisyon sa Parañaque

NAGKATENSYON sa pagitan ng puwersa ng pulisya at daan-daang nagbabarikadang residente ng ide-demolish na Silverio Compound sa Parañaque City.

Nabatid na nambato na ng mga bato, plastic na may suka at sili ang mga residente ng naturang lugar habang ang ilan ay naghagis na rin ng dumi ng tao at malalaking tipak ng bato sa demolition team.

Habang ang mga pulis naman na rumespunde ay nagpalipad na rin ng tear gas.

Basag ang salamin ng mga sasakyan ng awtoridad sa lugar at nadamay na rin ang mga mamamahayag na nasiraan naman ng gamit habang nagko-cover.

Una nang nabalitang bandang alas-6:00 ngayong umaga nagsimulang magbarikada ang mga residente sa harap ng nakaambang demolisyon ngayong araw.

Bagama’t una nang ipinaliwanag nina Mayor Florencio “Jun” Bernabe Jr. at Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 195 Sheriff Alejandro Abrematea na walang gagalawing bahay sa demolisyon, tutol pa rin ang mga residente na magiba ang ilang commercial establishments at palengke sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply