Kahero niratrat, todas sa Pasay

PATAY ang isang kahero ng isang resto bar sa Pasay Citybmatapos pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki kaninang umaga.

Patay na nang idating sa 7th Day Adventist Hospital ang biktimang si Troy Davebren Gerolaga, 22 kahero sa Seaside Market, Macapagal Blvd., ng lungsod at taga-M. Orosa, Malate, Manila, sanhi ng pitong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Cris Gabuti, naganap ang insidente dakong 4:30 ng umaga sa Menlo St., ng naturang lungsod.

Bago ito, mula sa pinagtatrabahuhang resto bar, sumakay ang biktiuma sa Asyangco Transport taxi (TXW-650) na minamaneho ni Rodelio Baylon, 53, ng Paliparan, Dasmariñas, Cavite.

Nagpahatid ang biktima sa tapat ng bahay ng kanyang girlfriend na si Lady Diane Lopez, 20, sa Menlo St. at kinausap ang kasintahan sa cellphone.

Hindi nagtagal, habang hinihintay ang kasintahan, lumapit ang isang lalaki na armado ng kalibre .45 at sunud-sunod na pinaputukan ang biiktima.

Tinangka pa ng drayber na dalhin sa ospital ang biktima pero binawian na ng buhay.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply