Kaiba si Rep. Pol Bataoil

NOONG nakaraang linggo, ‘di ko inasahang makita ang maybahay ng pumanaw na kapatid sa pamamahayag – si Albert  ‘Orso’ Orsolino.

Nagkasalubong kami sa lobby ng Malabon City Hall at sa aming kumustahan, naikuwento niyang kawani na siya ng pamahalaan.

Kung paano napadpad sa kanyang kasalukuyang trabaho ay tadhana “ang nagdala sa akin doon”, salaysay niya sa Chokepoint.

‘Di gaya ng dati, siya’y medyo payat. Marahil, dahil sa mag-isa na lamang itong nagtataguyod sa apat na supling nila ni ‘Orso.’

Pero batid sa kanya ang determinasyon na mabuhay kahit wala na si ‘Orso.’ Tuloy ang buhay, aniya, talagang ganun.”

Sa aming chikahan, naging sentro ng usapan ang magaling na police general na ngayo’y kongresista na ng Pangasinan, si Pol Bataoil.

Si Rep. Bataoil pala ang nagdala sa kanya sa government service, una ay sa Northern Police District bilang contractual employee.

At pagkatapos ay natalaga ito sa Caloocan police at sumunod ay sa Navotas police kung saan siya ngayon nagtatrabaho.

Naibida rin ng maybahay ni ‘Orso’ na patuloy ang financial assistance na ibinibigay ni Rep. Bataoil sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

Hanggang sa aming paghihiwalay, ‘di ko mawaglit sa aking isipan ang kuwentong kabutihan at kagandahang-loob ni Rep. Pol Bataoil.

Kaya naman siguro ‘di ko maalis isipin sa aking utak ang kanyang kuwento ay dahil nabighani ako sa ugali ng Pangasinan congressman.

Kasi, bibihira ang katulad ni Cong. Bataoil.

Kahit pa noong ako ay crime  reporter pa lamang, kilala kong magaling at mabait ito.

Kahit siya’y kongresista na at mataas ang naging tungkulin sa Pambansang kapulisan, wala itong yabang sa katawan. Sobra ang kababaang-loob.

Kaya naman siguro pinagpapala si ret. Gen. Bataoil.

Ang angkin niyang kabutihan ang nagdidikta para ‘di ito mawala sa serbisyo.

Mula sa serbisyo sa kapulisan, siya ay naging kongresista para ipagpatuloy ang serbisyo sa mga less fortunate nating kababayan.

Ang Chokepoint ay isa lamang sa maraming bumibilib at saludo sa ipinapakita ng congresman mula sa Pangasinan.

Sana’y dumami ang katulad niya.

Mabuhay ka, Rep. Pol Bataoil.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply