Kalesa sinuwag ng van, kutsero, pasahero utas

PATAY ang isang kutsero at kanyang pasahero, habang tatlong iba pa ang malubhang nasaktan nang suwagin ng rumaragasang van ang sinasakyang kalesa sa Cagayan kaninang madaling-araw.

Kapwa dead on the spot ang kutserong si Valentine Mabborang, 54 at kanyang pasahero na si Natividad Bago, 70.

Sugatan naman ang iba pang pasahero ni Mabborang na sina Maryjane Darauan, Aldritz Placido at Philip Andrew Baltazar.

Sa kabutihang palad naman, walang nasaktan sa mga pasahero ng Toyota Hi Ace van na minamaneho ng suspek na si Daniel Sasauay.

Si Sasauay ay nakaditine na ngayon sa Solana PNP at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to double homicide, multiple serious physical injuries at damage to property.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente pasado alas-5:30 ng madaling-araw sa isang bisinidad ng Barangay Nangalisan sa Solana.

Bago ito, nakaparada sa tabi ng kalsada ang karitela ni Mabborang at sakay ang lima sa kanyang mga pasahero nang biglang suwagin ng van ni Sasauay na nagmula sa Tuguegarao City.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nakaladkad ng ilang metro ang naturang karitela na nagresulta sa pagkamatay nina Mabborang at Bago at ikinasugat ng tatlo pang pasahero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply