Kaliwang kamay sa panunumpa idenepensa ni Pacquiao

DENEPENSAHAN ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang paggamit niya ng kaliwang kamay nang manumpa siya sa partido ni Vice President Jejomar Binay na PDP-Laban.

Paliwanag ng boksingerong kongresista, ginamit niya ang kaliwang kamay dahil malapit aniya ito sa puso.

Sinabi pa ni Pacquiao na ito ay pagpapakita ng sinseridad bilang bagong kasapi ng PDP-Laban.

Pinabulaanan din ng kongresista na tinalikuran niya ang Nacionalista Party, ang partidong kanyang sinuportahan noong 2010 presidential elections.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply