Kalokohan sa pasyon sa Angeles City

NOONG nakaraang linggo ay naging viral ang photo ni Maike Domingo na pinost ng Free Spits sa Facebook. Ang photo ay naglalarawan ng isang batang babae na naka-sexy shorts at umakyat sa krus para doon mag-pose para sa picture.

Bigla itong dinampot ng sangkatutak na “friends” ko sa FB at ipinasa sa kung saan-saan at kani-kanino. Agad namang kinopya at pinost sa sarili nilang wall ang litrato ng ibang “friends” ng “friends” ko sa FB.

Wala pang 3 oras, kalat na ang litrato ng “sexy girl on the cross” ni Maike Domingo.

Dinampot na rin ng online version ng malalaking broadcast at print media.

Sobrang tindi ng batikos na inabot ng “sexy girl on the cross” mula sa mga Katoliko at Kristiyano na hanggang sa balita sa telebisyon ay lumabas ang istorya.

Ang sentro ng usapan? Ganun na ba talaga kabastos ang ating mga kabataan? Wala na bang natitirang galang sa mga simbolo ng ating relihiyon? Ito na nga ba ang panahon ng kaaway ng Dakilang Lumikha?

Pero  ang walang nagtanong, papaano nakaakyat ‘yung “sexy girl” dun sa krus? Tsaka hindi yata alam ng marami na hindi lang siya ang gumawa noon.

May hagdan po yung mga krus dahil ginamit ito sa pasyon sa Angeles City, Pampanga noong Biyernes Santo. Nag-ipon din po ang mga turista roon at marami ang umakyat sa krus para mag-posing, mga foreigner at local tourists ito.

Sabi ng LGU ng Angeles City hindi nila pakay na bastusin ang imahe ng krus ni Kristo.

Hindi rin nila hinimok na mag-posing ang mga turista sa taas ng krus. Pero nilagyan nila ng tapakan yung mga krus para maakyat ito. At hindi sila naglagay ng bantay para magbawal sa mga umaakyat. Ang resulta, nagpiyesta ang mga hindi nag-iisip na deboto at kabataan.

Sa sobrang sensitibong Simbahang Katoliko, “blasphemy at sacrilege” ang ginawa raw ng “sexy girl on the cross.” Sa mga iba naman ay walang masama sa posing na iyon.

Sabi ni Maike Domingo, ang litratista na kumuha ng mga litrato, sana hindi na siya nakilala dahil sa sobrang kontrobersyang inabot ng litrato niya. Ang Free Spits lang yata ang nakausap ni Maike, yung ibang litrato lang niya ang tinutukan.

At para sa isang bansang tinaguriang tanging “Kristiyanong Bansa sa Asya” parang may mali sa ginawa ng mga turista sa Angeles City sa araw ng Biyernes Santo. Ganun na rin sa pamahalaan ng Angeles City na walang ginawa para mapigil ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply