Kalsada sa Taft Ave, Manila gatasan ng mga pulis trapik

Mayooorrr Fred Lim…. nasubukan ninyo na bang magdaan  sa kahabaan ng Taft Avenue, partikular diyan sa corner Pedro Gil?

Kung hindi pa, mayor, ay bakit hindi ninyo subukan na daanan para malaman ninyo kung bakit nagkakabuhol-buhol ang trapiko sa lugar na ‘yan?

Matagal nang inirereklamo ng  mga motorista ang lugar na ‘yan dahil sa sobrang trapik na idinudulot ng mga malalaking bus at jeep na nagteterminal sa buong kalsada ng Taft Avenue, partikular na sa Pedro Gil.

Kahit magbabad ng sampung oras sa kalsada ang mga naglalakihang bus at jeep sa kahabaan ng Taft Avenue para mamik-ap ng mga pasahero ay nagbubulag-bulagan lamang ang kapulisan ng Manila Traffic Enforcement Unit.

Ang balita ko nga, malaki ang weekly tong-collection na nakukuha ng traffic police sa mga jeepney passenger at mga bus na nagte-terminal sa lugar na ‘yan.

Kahit itanong n’yo pa, mayor, sa bagman/collector ni Lt. Col. Reynaldo Nava na sina Lt. Tamayo at Maj. Cortez.

Mantakin n’yo, linggo-linggo, ang laki-laki raw ang nakokolekta ni Lt. Tamayo mula sa mga passenger jeepney at mga bus na nagte-terminal sa mga kalsada sa Kamaynilaan partikular na riyan sa kahabaan ng Taft Avenue.

Abay, Mayor Lim, baka hindi nyo alam na pinagloloko kayo ng inyong mga kapulisan sa traffic. Pakibusisi n’yo lamang. (ITUTULOY)

TUPADAHAN SA BGY

Grabe ang tupadahan sa Brgy. Pallocan West, Batangas City na inoperate ni Brgy. Capt. Reyes.

Maging ang tupadahan sa Brgy. Tambo kay Rolly, Brgy. Bulacnin kay Boyet, Brgy. Lumbang kay Don Me

at sa Brgy. Sapac kay Eng. Acosta na pawang sa Lipa City. Paging Gov. Vilma S. Recto, hindi nyo ba kayang paggigibain ang mga iligal na sabungan na ‘yan sa inyong lalawigan?

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply