Kano dinampot ng BI

ARESTADO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI)ang isang overstaying Americanmakaraang ireklamo ng kanyang Filipina live-in partner sa kasong pang-aabuso at pagmamaltrato.

Sa kalatas na ipinalabas kahapon . Abril, 8 , ni BI Commissioner Ricardo David Jr., napag-alaman na ang dayuhang si William Ray Smith, 64, ay nakapiit na sa Bicutan Immigration jail makaraang maaresto sa loob ng export processing zone compound sa Rosario, Cavite.

Nabatid na overstayed na si Smith nang mahigit sa anim na taon at natuklasan lamang ito dahil sa ginawang pagrereklamo ng kanyang kinakasamang Pinay na itinago ang pagkakakilanlan.

“Let this serve as a warning to other foreigners that they should not abuse our Filipino women. They do not deserve our hospitality and the privilege to stay in our country,” ani David.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply