Kano, Pinay GF arestado sa pangongotong

ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang American national at kanyang Filipina na girlfriend matapos ireklamo ng isang distributor ng imported pancake mix product na nakabase sa Sta. Rosa, Laguna ng pangingikil ng P1 milyon.

Sinasabing ang hinihinging halaga ng naarestong sina Roger dale Buchanan at kasintahang si Margie Garcia ay kapalit ng hindi nila pagbubulgar sa produktong depektibo sa pamamagitan ng social networking site na Facebook at Youtube.

Ayon kay Bureau of Investigation–Anti Fraud Division (NBI-AFD) chief Lawyer Cesar Bacani, sasampahan ng robbery extortion ang mga suspek.

Ang dalawa ay naaresto  sa isang entrapment operation ganap na ala-1:00 ng hapon nitong Lunes sa isang coffee shop sa loob ng isang mall sa Ermita, Maynila.

Sa reklamo ng kinatawan ng imported pancake mix distributor, sinasabi aniya ng magkasintahan na may insekto ang produktong nabibili nila kahit pa nakalagay sa pakete na hindi expired.

“Ipinaliwanag namin sa kanya na nangyayari sa mga harina minsan ang binubukbok, minsan sa condition ng lugar, ni-recall namin lahat ng nasa supermarket,” ayon sa kinatawan ng nasabing produkto.

Bunsod nito, pilit umanong hinihingan sila ng mga suspek ng P25,000 hanggang P1 milyon bilang danyos.

Bukod dito, tinakot din ng magkasintahan ang kompanya ng nasabing produkto na ikakalat nila sa Facebook at Youtube ang kasiraan ng produkto kung hindi maibibigay ang kanilang hinihingi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply