Kapamilya Network nilayasan na ni Derek Ramsay!

KUMPIRMADONG nilayasan na ng hunk actor at dyowa ni Angelica Panganiban ang Kapamilya Network na naging tahanan din niya ng maraming panahon.

Ayon sa lumabas na balita sa Starmometer, tuluyan nang lilipat si Derek sa TV5.

Yes isa na siyang ganap na Kapatid!

Noong Nobyembre last year, unang umugong ang balitang mangingibang bakod ang hunk actor.

Narito ang official statement ng Dos sa paglipat ni Derek sa Singko (ayon sa nakasaad sa Starmometer):

“Derek Ramsay has decided to transfer to TV5. For months, ABS-CBN has exerted efforts to make him stay as a Kapamilya. TV5, however, offered him an amount that was difficult for him to refuse. We thank Derek for the many years he has been with ABS-CBN.”

– Bong Osorio, Head, ABS-CBN Corporate Communications

Well abangan natin ang kalalabasan ng kanyang career.

Si Derek ay maituturing na box office king matapos tumabo sa takilya ang tatlong magkakasunod na movie niya, ang No Other Woman, Praybeyt Benjamin at Corazon: Ang Unang Aswang, habang nasa bakuran siya ng Dos.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply