Kapitan ng Zamboanga inutas sa Pasig City

UTAS ang isang kapitan ng barangay matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin sa Escriva Drive, Barangay San Antonio, Pasig City kaninang alas-3:30 ng hapon.

Ang biktimang si Ahjid Yusof, 66, barangay captain ng Barangay Mamagon, Naga, Zamboanga-Sibugay ay dead-on-the spot dahil sa tama ng baril sa kanyang ulo.

Sa imbestigasyon, papasakay na sa tourist bus ang biktima matapos dumalo sa dalawang araw na “Lakbay-Aral” sa Barangay San Antonio nang barilin ng mga suspek.

Hinala ng pulisya na may kinalaman sa politika ang pamamaslang.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply