KAPRITSO NG LAMAN (Ika-76 na labas)

“I don’t see it’s funny. At kapwa natin hindi ginusto ang nangyari. Pero pinagtagpo tayo ng kapalaran para mabuo ang ganitong relasyon. Ngayong nakikisama ka na sa akin at ang mister mo naman ay may kinakasama ng iba, sa palagay mo ba ay magkakabalikan pa kayong dalawa?” pormal na sabi ni Jason kay Sally.

Hindi kumibo ang babae.

Naiisip niya, hindi niya dapat na sinumbatan ang binata.

Puwede namang walang mangyari sa kanila ni Jason, kaso’y siya ang lumapit sa lalaki kaya nagkaroon sila ng ugnayan.

“Bago tayo mag-away, iba na lang ang pag-usapan natin,” sabi ni Sally sa lalaki.

Hindi na nagsalita pa ang binata.

Inasikaso na lang ang pagmamaneho.

Hanggang sa makarating sila sa tinutuluyang condo unit.

As usual, pagkatapos magpalit ng damit ay nagtungo na sa kitchen si Sally.

Naghanda ng hapunan nila ni Jason.

Wala silang imikan.

Ang binata ang bumasag sa katahimikan.

“One day, wish ko na magkita kami ni Jude,” sabi ni Jason.

Napaunat sa pagkakaupo si Sally.

“Bakit naman?” tanong ng babae.

“Gusto ko siyang makausap. Tatanungin ko siya kung seryoso siya kay Tina. Kung sasabihin niyang Oo, hihingin kita sa kanya. Pero kung hindi, pababayaan kitang bumalik sa kanya kapag tapos na ang iyong kontrata,” seryosong sabi ng binata.

Hindi kaagad umimik si Sally.

Iniisip niyang kasalanan ang pagpisan kay Jason pero hindi naman niya maramdaman na gusto niyang bumalik kay Jude.

Baka naman ngayon lang ito…

Pero kapag oras na, sa tunay na asawa rin siya magbabalik.

Natapos silang maghapunan …

Habang nagliligpit ng pinagkainan, nagtungo na sa salas si Jason.

Nanood ng palabas sa telebisyon …

Hanggang sa lumabas ng kusina si Sally …

Naupo sa kanyang tabi …

Nakipanood.

Pero makalipas ang ilang sandali…

“Inaantok na ako. Mauuna na ako sa kuwarto,” sabi ng babae.

Pinindot ni Jason ang remote control …

Sumunod na kay Sally sa silid.

Inaantok na rin siya at gusto na ring matulog.

Parang pagod ang dalawa.

Kaya nang gabing iyon, wala silang seks.

Buong magdamag na natulog.

Sa Pilipinas ng mga sandaling iyon.

Nagpaalam si Tina kay Jude…

Uuwi raw muna siya sa mother niya …

Ilang araw daw muna siyang titigil sa bahay ng ina bago bumalik sa bahay ng lalaki.

Nang umalis na si Tina, pumasok si Jude sa banyo at naligo.

Nagbihis …

Maya-maya’y lumabas siya ng bahay at sumakay sa kanyang motorsiklo.

Pinatakbo …

Pupunta siya sa bahay nina Edward …

Ngayon niya kokomprontahin ang pinsan.

Wala ang pamilya ng una ng dumating si Jude …

Magkakaroon sila ng pagkakataon na mag-usap ng sarilinan.

Tuwang-tuwa namang naglabas ng beer at pulutan si Edward.

“Akala ko, nagbibiro lang ako nang sabihin mong pupuntahan mo ako. Tamang-tama ang pagpunta mo rito ngayon dahil wala ang family ko. Ngayon natin ituloy ang inuman,” masayang sabi ng pin-san.

“Nagpunta ako rito hindi para makipag-inuman,” pormal na sagot ni Jude.

Biglang napatingin sa kanya si Edward.

“Then what’s the big deal at naisipan mong sumugod dito?” nakamaang na natanong ng una.

“May gusto lang akong kumpirmahin …”

“Tungkol saan?”

“Kung ikaw ang nagpadala ng balita kay Sally tungkol sa pagli-live in namin ng bestfriend niya na si Tina.”

Gulat na napamaang ang pinsan dahil sa sinabi ni Jude. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply