KAPRITSO NG LAMAN (Ika-79 na labas)

LULAN ng kanyang motorsiklo na umalis na si Jude.

Diretso siya sa kanilang bahay.

Madilim pagdating niya sa bahay.

Walang tao.

Expected na niya ito dahil umuwi muna sa kanilang bahay si Tina.

Dinukot niya ang kanyang duplicate key at binuksan ang pintuan.

Binuhay ang ilaw sa salas.

Nang makapasok, muli niyang isinara ang pintuan.

Diretso siya sa kanyang kuwarto …

Nagbihis muna …

Matapos ito, dinampot niya ang wireless telephone…

May tatawagan siya …

Overseas call …

Sa condo na tinutuluyan ni Jason sa Taipei siya tatawag…

Gusto niyang makausap nang lalaki sa lalaki ang sinasabing live-in partner ng asawang si Sally sa naturang siyudad sa bansang Taiwan.

Nagsimula siyang dumayal.

Wala si Jason nang dumating ang tawag ni Jude.

Nasa labas siya at may binibili …

Narinig ni Sally ang pagtunog ng telepono …

Kaagad niyang nilapitan ang kinapapatungan nito …

May caller ID ang nasabing telepono kaya kitang-kita ng babae ang rumehistrong numero.

Pamilyar ito sa kanya …

Numero ng telepono sa bahay nila sa Pilipinas.

Biglang kinabahan ang babae …

Sino pa ba ang maaaring tumawag mula sa lugar na iyon kundi ang asawang si Jude.

Pero bakit siya tumawag at sino ang nagbigay sa kanya ng telephone number ng condo unit ni Jason?

Hindi kaya ang animal na si Edward o ang bestfriend na si Tina?

Pero kung si Jude ang tumatawag, sino naman ang tinatawagan?

Si Jason o siya?

Hindi niya sinagot ang tawag.

Tiyak na mabobosesan siya ng asawa.

Ang alam ni Jude, sa ibang bahay siya nakatira.

Tiyak na magtatanong ito kung bakit sa bahay ni Jason siya nakatira?

Kung nagsumbong na si Edward kay Jude hinggil sa relasyon nila ng binata, tiyak na tumawag ang asawa para mangumpirma.

Para galit na pagmumurahin siya sakaling mapatunayan niyang totoo ang sumbong ng kanyang pinsan.

Gusto niyang isipin ng caller na walang tao sa bahay.

Nasa trabaho kaya walang puwedeng sumagot sa call na iyon.

Sa katagalan, tumigil din sa pagtunog ang telepono.

Takang-taka si Jude kung bakit walang sumagot sa kanyang tawag.

Pero hindi siya titigil hangga’t hindi nakakausap si Jason.

Kung hindi ngayon, mamaya … bukas … kung kailan siya magkakaroon ng pagkakataong makausap ang lalaki na sinasabi ni Edward na kinalolokohan ng kanyang asawa sa Taipei.

SAMANTALA, dumating na si Jason.

Galing pala sa grocery ang binata …

May ipinaluluto siya kay Sally …

Wala silang pasok ngayon…

Sa bahay lang sila …

Wala silang gagawin kundi kain, sex at pahinga ….

Tapos ay sex ulit, pahinga at kain hanggang sa magsawa sila.

Hangos namang lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina si Sally para sumunod sa ipinagagawa sa kanya ng kasuyo.

Plano ni Jason na maligo muna habang niluluto ang pagkain na gusto niya.

Binuksan niya ang closet…

Kumuha ng malinis na brief, short at sando na isusuot niya pagkatapos maligo.

Nasa gayun siyang ayos nang biglang tumunog ang telepono sa kalapit.

Hangos niyang nilapitan ang kinapapatungan nito.

Hindi niya kilala ang numero pero alam niyang overseas call ito.

“Sino kaya ang tumawag? Para sa akin kaya ito o para kay Sally?” tanong niya sa sarili. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply