KAPRITSO NG LAMAN (Ika-80 na labas)

NAGDALAWANG-ISIP si Jason kung sasagutin o hindi ang overseas call.

Baka kasi si Sally ang kailangan ng caller at hindi nito dapat malaman na magkasama sila ng babae.

Pero nanaig sa binata na malaman kung ano ang kaila-ngan nito sa kasuyo.

Marahang dinampot niya ang telepono…

“Hello… sino po ang kailangan nila?” sagot ni Jason na sinikap baguhin ang orihinal na boses.

Lalaki ang nasa kabilang linya…

At nagulat ang binata sa nalamang hindi si Sally ang kailangan ng caller kundi siya.

Bigla tuloy siyang nag-isip kung isang kamag-anakan o kaibigan na nasa Pilipinas ang tumawag sa kanya.

“W-Wala po siya! Nasa labas! Sino po ba sila at ano ang kanilang kailangan at sasabihin ko na lang sa kanya?” tanong ni Jason.

Muli ay nagulat si Jason sa narinig na kasagutan.

“Ako si Jude. Mister ako ni Sally. May mahalaga akong pakay kay Jason kaya gusto ko siyang makausap,” sabi naman ng lalaki sa kabilang linya.

“Tumawag na lang po kayo after one hour. Baka dumating na siya.

“Thanks! Sino ka ba?” tanong ng kausap.

“Houseboy po ako rito!” sagot ni Jason.

Sa puntong ito natapos ang kanilang pag-uusap.

Pero nangako si Jude na muling tatawag mamaya.

Nag-iisip na ibinaba ni Jason ang hawak na telepono.

Kung ano ang kailangan sa kanya ng mister ni Sally at naisipan siyang tawagan.

At sino naman kaya ang nagbigay ng number ng kanyang telepono kay Jude?

Imposibleng si Sally.

Malamang na si Edward, ang pinsan ni Jude na nagbalik bayan mula sa bansang Taiwan.

Naputol ang malalim na pag-iisip ni Jason nang marinig niyang tumatawag ang kasuyo sa ibaba.

Luto na raw ang bulalo na ipinaluto niya.

Hangos na lumabas na ng kuwarto si Jason at bumaba ng hagdanan.

Diretso siya sa kusina.

Nakahain na sa hapag ang paborito niyang ulam.

“Halika na! Kumain tayo. Magpapalakas tayo para may resistensiya tayo!” masayang aya ni Jason kay Sally.

Nakairap na umumpok sa kanya ang babae.

“Mukhang may binabalak ka na namang gawin,” nakairap na sabi ni Sally.

“Maano ba! Wala naman tayong pasok. Samantalahin natin ang pagkakataon para sa ating sarili,” nakangisngis na sagot ng lalaki.

Hindi na nagsalita ang babae.

Sabay silang kumain.

Ganadong-ganado si Jason.

Ang sarap kasi ng luto ni Sally.

“Paano kita hahayaang mawala sa buhay ko ganitong ang sarap mong magluto?” sabi niya sa babae.

Ingos lang ang isinagot ni Sally pero lihim na lugod na lugod sa papuri ni Jason.

Nang matapos silang kumain, nagprisinta ang binata na siya na ang magliligpit ng kanilang pinagkainan at iba pang hugasan.

May ipinagagawa siya sa babae.

“Maligo ka na para pagkatapos kong maglinis dito, simula na ng giyera natin sa kama,” nakangisi niyang sabi.

“Hmp! Manyakis ka talaga. Katatapos mo lang kumain, kung ano-ano na kaagad ang pumapasok sa kokote mo!” irap ni Sally.

“Oy! Wala akong iniisip na masama. Pulos masarap ang iniisip ko. ‘Yung pareho tayong masisiyahan!” tumatawang sagot naman ni Jason.

Hindi na siya pinansin ng babae…

Lumabas na ng kusina at umakyat sa itaas.

Pagpasok niya sa kanilang kuwarto, biglang nag-ring ang telepono.

Hangos na lumapit si Sally sa kinapapatungan nito …

Gusto niyang malaman sa caller ID ang numero ng caller.

Hindi pamilyar sa kanya…

Maaaring si Jason ang kailangan.

Naisipan niya na sagutin ang tawag.

Gusto niyang malaman kung ano ang kailangan ng caller sa kasuyo.

“Cardona’s residence… hello… sino po sila?” malambing niyang tugon.

“S-Sally! Ikaw ba iyan?” biglang tanong ng caller.

Nagimbal naman ang babae nang mabosesan ang kausap. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply