KAPRITSO NG LAMAN (Ika-82 na labas)

NANG hindi makayanan ni Jude ang sama ng loob, binuksan niya ang ref.

Naghahanap ng beer na maiinom …

Wala siyang nakita.

Naisipan niyang sa cabinet naman maghanap.

May nakita siyang bote ng local brandy …

Puwede na ito …

Kahit naman ano’ng klaseng alak, puwede na sa kanya.

Ganitong masama ang loob niya, kahit lason siguro ay puwede niyang inumin.

Hindi na siya kumuha ng baso …

Bumalik siya sa salas at naupo …

Binuksan ang bote ng alak at sa mismong bote siya tumungga.

Sunod-sunod ang pag-inom ni Jude …

Gusto niyang malunod kaagad sa alkohol ang nararamdaman niyang sama ng loob.

Madali niyang naubos ang kalahati ng bote …

Matapang ang alak …

Pulang-pula na ang mukha ni Jude …

Talab na talab na ang ininom na alak.

Nasa gayun siyang ayos nang dumating si Tina.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit ka naglalasing?” tanong ng babae na karakang naupo sa tabi ng lalaki.

“Masama ang loob ko!” sagot ni Jude.

“Kanino? Sa akin ba? Uuwi na ako!” sabi ni Tina.

“Hindi sa iyo …”

“Kanino?”

“Kay Sally!”

“Bakit?”

“Niloloko niya ako!” galit na sagot ni Jude sabay bagsak ng puwitan ng hawak na bote ng alak sa kalapit na mesita.

Hindi na nagtanong pa si Tina.

Hinayaang magkuwento si Jude.

“Tumawag ako sa bahay ni Jason. Gusto ko siyang makausap. Babae ang sumagot. Kaboses na kaboses ni Sally. Pero tumanggi siya na siya iyon. Hindi raw niya kilala si Sally. Iba ang pangalan na sinabi niya. Pero sabi ni Edward sa bahay ni Jason siya nakatira dahil nagli-live in sila. Huli ko siya pero tumatanggi pa!” pailing-iling sa sama ng loob na sabi ni Jude.

Gustong maawa ni Tina sa lalaki pero naisip niya ang usapan nila ni Jason.

Hindi na dapat pang magkabalikan ang mag-asawa.

Sa binata na si Sally at sa kanya naman si Jude.

“Kung bakit naman kasi hindi mo pa siya kalimutan,” sabi ni Tina.

“Asawa ko siya. Paano ko siya makakalimutan?” mabilis na sagot ng lalaki.

“Kung ganyang niloloko ka niya, dapat mo na siyang kalimutan!” mariing sabi ng babae.

“Pero paano ko siya makakalimutan?”

“Narito ako. Handa akong tulungan ka na makalimutan mo siya. Lahat ng pangangailangan mo sa kanya ay handa kong punuan para tuluyan na siyang mawala sa isipan mo,” sagot naman ng babae.

Hindi sumagot si Jude.

Malambing na yumakap naman sa likuran niya si Tina.

“Sabihin mo kung hindi pa sapat ang pagmamahal at pagpapahalaga na ibinibigay ko sa iyo at handa kong dag-dagan,” aniya.

Sa puntong ito marahang pumihit paharap sa kanya si Jude.

Pinapungay naman ni Tina ang kanyang mga mata …

Bahagyang iniawang ang mga labi na parang nag-aanyaya na halikan siya ng lalaki.

Nakainom na si Jude…

Madaling madarang sa tukso.

Bigla niyang niyakap ang babae at sinakmal ng halik ang mga labi.

Lumaban ng halikan si Tina.

Lulusawin niya ang alaala ni Sally sa isipan ng lalaki.

Gigisingin ang init sa katawan nito hanggang sa malipat sa kanya ang pagtingin ni Jude.

Maya-maya’y biglang tumayo ang lalaki at binuhat si Tina.

Dadalhin niya ito sa kuwarto …

Dito nila palalayain ang init ng kanilang pananabik.

Lihim na tuwang-tuwa naman si Tina.

Feeling winner sa pagkakataong ito. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply