KAPRITSO NG LAMAN (Ika-86 na labas)

HINDI sinunod ni Jason ang bilin ni Sally.

Sinadya niyang sa loob ng lungga nito pasabugin ang kanyang pananabik.

Naramdaman ng babae ang pagsirit ng masaganang katas ng lalaki sa loob ng kanyang pagkababae.

Nang humihingal na magpatihulog na si Jason sa kanyang tabi, galit niyang kinompronta ang lalaki.

“Animal ka! Sabi ko sa iyo ay i-withdraw mo ang iyong alaga kapag lalabasan ka na pero bakit hindi mo binunot?” mangiyak-ngiyak sa inis na tanong ni Sally. “Alam mong hindi ako dapat magbuntis dahil may asawa ako.”

Kunwari ay hindi sinadya ang nangyari, tigas na paghingi ng paumanhin ni Jason sa babae.

“I’m very sorry. Nakalimot ako dahil sa sobrang sarap. Nakalimutan kong dapat kong i-withdraw ang aking alaga kapag lalabasan na ako,” sabi ng binata.

Yamot na tumayo ang babae …

Tinungo ang medicine cabinet …

May kinuhang botelya na kinalalagyan ng birth control pills.

Kumuha ng isang tablet sabay subo sa bibig.

Pilit na nilunok kahit walang tubig.

“Sinabi ko naman sa iyo, hindi tayo dapat magkaanak. Laro lang ang ginagawa natin.

Hindi ako dapat magka-baby hangga’t hindi nalalagot ang kasal na nag-uugnay sa amin ni Jude,” sabi ni Sally.

Hindi na lang kumibo si Jason.

Alam niya na hindi tatalab ang ininom na birth control pill na ininom ng babae.

Hindi na kasi orig na pampalaglag ang nainom niya.

Napalitan na niya ng vitamins.

Kaya oras na tinamaan si Sally sa ginawa nila, tuloy ang kanyang pagbubuntis.

Hindi na pumayag ang babae na masundan ang kanilang ginawa.

Pagod na raw siya at inaantok.

Kaya matapos magsuot ng pajama ay binanatan ng tulog.

Nakatayo sa tabi ng bintana si Jason …

Tahimik na pasiga-sigarilyo …

Si Tina ang laman ng kanyang isipan …

Ang kanilang kasunduan.

Sa mga sandaling ito, ano naman kaya ang kanyang ginagawa para masigurong magiging kanya si Jude?

Tulad niya, gising pa rin si Tina.

Nakatayo rin sa tabi ng bintana …

Yamot na pasiga-sigarilyo…

Nabitin kasi siya kay Jude…

Tinulugan siya ng lalaki.

Kasalanan naman kasi niya ang lahat.

Nang mangalay ang kanyang panga, nakagat niya ang malaking ulo ng alaga ni Jude.

Dahil dito, nawalan ng ganang makipagtalik sa kanya ang lalaki.

Hinayaan na lang niyang matulog ang kasuyo.

Pero bukas paggising nito, hindi siya papayag na hindi nito rasyunan.

Bago sila mag-almusal, pipilitin niya si Jude na magseks muna silang dalawa.

Nang maubos ang hinihitit na sigarilyo, lumapit na siya sa kama.

Nahiga na sa tabi ng tulog na lalaki.

Sa kabilang dako, nanatiling gising pa rin si Jason.

May binubuo siyang plano.

Iniisip niyang tawagan ang asawa ni Sally.

Sisiraan niya ang kasuyo sa mister nito …

Sasabihin niyang naglalaro ng apoy ang babae rito sa Taipei.

Kaya makabubuting humanap na lang siya ng kapalit nito.

Hanggang sa antukin si Jason …

Lumapit siya sa kama at nahiga sa tabi ni Sally.

KINABUKASAN, palibhasa’y masarap at tuloy-tuloy ang pagtulog sa nakaraang gabi, unang nagising si Jude.

Tulog na tulog pa sa kanyang tabi si Tina.

Hindi niya inabala ang pagtulog ng babae.

Dala ang cellphone na lumabas siya ng silid.

Siya na lang ang maghahanda ng almusal para sa kanilang dalawa.

SA kabilang dako, una namang nagising si Sally.

Nang makitang tulog na tulog si Jason sa kanyang tabi, hindi niya ito ginising.

Mamaya na lang kapag nakaluto na siya ng kanilang almusal. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply