KAPRITSO NG LAMAN (Ika-88 na labas)

TINAMAD nang magluto ni Jude …

Nawalan na rin siya ng ganang kumain.

Kaya kahit tinapos ni Tina ang kanyang niluluto, bumalik na lang siya sa itaas ng kanilang bahay.

Pumasok sa kuwarto.

Nahiga sa kama …

Parang wala sa sarili na nakatutok ang mga mata sa kisame.

May nararamdaman siyang kirot sa dibdib …

Ganito pala ang pakiramdam ng kinakaliwa ng asawa…

Masakit!

Kung sabagay, pareho lang naman sila ng ginagawa ni Sally.

Pinagtataksilan din niya ang babae.

Pero lalaki siya …

Walang mawawala …

Kung may makaalam mang nambabae siya, karangalan pa ito sa isang lalaki na tulad niya.

Pero malaking kahihiyan naman para sa isang babae ang pumatol sa isang lalaki at kasiraan ng karangalan ng lalaki na kanyang tinotorotot.

Mariing ipinikit ni Jude ang mga mata …

Hindi niya namalayan ang paglalandas ng kambal na luha mula sa mga mata.

Nag-aalmusal na sina Jason at Sally ng mga sandaling iyon.

Kapuna-puna ang kasiglahan ng binata.

Ganadong-ganado siya sa pagkain …

Napansin tuloy siya ng kasuyo.

“Para kang tumama sa Lotto ng primera premyo. What makes you happy ba?” tanong ng babae.

“Wala lang! Nag-enjoy lang ako sa ginawa natin kagabi at hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang sarap kaya ako masaya!” sagot naman ni Jason.

Inirapan siya ng babae.

“Manyak ka, e! Hanggang kailan mo kaya ako titigilan?” tanong ni Sally.

“Kapag hindi na uso ang seks!” tumatawang sagot ni Jason.

“Gago!” inis na sabi ng babae pero nangingiti saka inambaang tutusukin ng tinidor sa braso ang lalaki.

Tigas na iwas naman ni Jason.

Nang matapos silang mag-almusal, iniligpit ni Sally ang kanilang pinagkainan habang umakyat na sa itaas ang binata para maligo.

Nang ang babae naman ang umakyat, nakabihis na ang binata.

“Sa ibaba na lang kita hihintayin. Manonood ako ng balita sa tv,” sabi ng lalaki.

Pumasok sa banyo si Sally at naligo.

Ang sarap ng tubig …

Ang paglapat nito sa kanyang katawan ay nagsilbing masahe na pumawi sa pananakit na idinulot ng maapoy na romansa ni Jason.

Nasa kuwarto na siya at nagbibihis nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Hindi natuloy ang pagbibihis …

Inalam muna niya kung sino ang caller …

Overseas call ito …

Ang asawang si Jude ang nasa kabilang linya.

Taka si Sally kung bakit naisipan siyang tawagan ng asawa pero karaka niyang sinagot ang tawag.

Pilit niyang pinasigla ang tinig sa pakikipag-usap kay Jude.

“Hon, papasok na ako. Bakit ka tumawag?” masaya niyang tanong.

“May gusto lang akong itanong sa iyo,” malamig na sagot ng asawa.

“Tungkol saan?”

“Tungkol sa iyo. May lalaki kasi na tumawag sa akin mula riyan sa Taipei at sinabi sa akin ang tungkol sa ginagawa mong pakikipag-live-in sa isang lalaki sa bansa na iyong kinaroroonan. Totoo ba iyan?”

Mabilis ang naging pag-tanggi ni Sally.

“Hindi totoo iyan! Kung sinoman ang lalaki na tumawag sa iyo, wala siyang hangad kundi sirain ang ating relasyon bilang mag-asawa,” mariing sagot ng babae.

“Gusto mong ibigay ko sa iyo ang numero ng cellphone ng lalaki na tumawag sa akin?” tanong ni Jude.

“Sige!” bugnot na sagot ng babae. “Oras na makilala ko kung sino ang naninira, malilintikan siya sa akin!”

“Hintayin mo. Iti-text ko sa iyo!” sabi ni Jude mula sa kabilang linya. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply