KAPRITSO NG LAMAN (Ika-91 labas)

MABILIS ang pagpapatakbo ni Jason sa kanyang kotse papauwi sa condominium na tinitirahan.

Nasasabik siya na madatnan doon ang kasuyo…

Hindi kasi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan.

Kung kailan siya nagmamadali, saka naman parang ayaw makisama sa kanya ng pagkakataon.

Natrapik siya …

Ang dahilan, may aksidente sa unahan.

Isang kotse at trak ang nagbanggaan.

Mahigit kinse minutos din siyang natrapik bago muling naipagpatuloy ang pagmamaneho.

Halos paliparin ni Jason ang kanyang kotse pauwi sa tinutuluyan.

Pagdating niya rito, hangos niyang ipinarada ang sasakyan sa carpark …

Kaagad na tinungo ang elevator.

Taka siya nang makarating sa kanyang unit dahil naka-lock ang pintuan …

Ginamit niya ang sariling susi para ito mabuksan.

“Honey, bakit umuwi ka kaagad? Hindi mo ako hinintay!” tawag niya habang papasok ng pintuan.

Walang sumagot sa kanyang tanong.

Nagtungo siya sa kuwarto, wala si Sally …

Hinanap din niya ito sa banyo at sa kusina pero wala rin ang babae …

Nanlalambot na napaupo siya sa sofa …

Inisip niya, baka may pinuntahan lang ang kasuyo …

Nagpapalamig muna ng ulo bago umuwi.

Kaagad na dinampot niya ang telepono …

Since na parang malabo na silang makapag-dinner sa labas, oorder na lang siya ng masarap na pagkain sa suki niyang restoran.

Magpapadeliber na lang siya…

Dito na lang sa bahay sila kakain ni Sally.

Pero dumating na ang kanyang inorder, wala pa ang kasuyo.

Nainip na ang binata …

Naisipang tawagan si Sally sa pamamagitan ng cellphone …

Tahimik na tahimik sa kabilang linya …

Parang naka-off ang cp ni Sally. Binigyan niya ng katwiran ang nangyari.

Baka na-lowbat lamang ang cellphone ng kanyang kasuyo kaya hindi masagot ang kanyang tawag.

Nagpatuloy siya sa paghihintay …

Lumamig na ang pagkain at kumagat na ang dilim …

Palakad-lakad na si Jason sa loob ng condo unit …

Lampas na kasi ng alas-9:00 ng gabi ay wala pa si Sally.

“Sobra namang magtampo ng babaeng iyon,” pailing-iling na sabi ni Jason sa sarili.

Nang sumapit ang alas-10:00 ng gabi, nainip na nang husto ang lalaki.

Nagtungo na siya ng kuwarto para magpalit ng bihisan…

Nakalimutan kasi niyang magpalit ng damit pambahay dahil sa pag-aalala kay Sally.

Marahan niyang binuksan ang closet …

Gulat siyang napanganga sa natuklasan …

Mga hanger lang ng damit ni Sally ang kanyang nakita na nakasabit.

Wala rin ang malaking bag ng babae na lalagyan niya ng damit kapag nagta-travel.

Gimbal si Jason sa biglang sumilid sa kanyang isipan.

Nilayasan siya ni Sally.

Taranta ang binata …

Hindi malaman kung ano ang gagawin …

Balak niyang hanapin si Sally pero hindi naman niya alam kung saan ito pupuntahan.

Gusto niyang tawagan ang mga kasamahan nito sa trabaho pero hindi naman niya alam ang numero ng kanilang cellphone at telepono.

Biglang pinagpawisan ng malamig si Jason …

Bukas pa niya malalaman kung nasaan ang kasuyo.

Pagpasok niya sa Taipei 101…

Kaya matutulog siya ngayong mag-isa sa kama pero magagawa naman kaya niyang makatulog?

Masarap ang pagkain sa kusina pero hindi nakakaramdam ng gutom si Jason.

Hindi siya mapakali at hindi makatulog.

Patingin-tingin sa orasan sa dingding …

Kung darating lang nang mabilis ang umaga kung pakikialaman niya ang ikot ng orasan, kanina pa niya ginawa. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply