Karahasan sa Parañaque demolition kinondena

TINIYAK ni Chairperson Etta Rosales ng Commission on Human Rights (CHR) na kanilang paiimbestigahan ang naganap na karahasan sa demolisyon na isinagawa sa Silverio Compound, San Isidro, Parañaque City na ikinamatay ng isa at pagkakasugat ng marami pa kaninang umaga.

Ayon kay Rosales, hindi dapat nagdadala ng baril ang kapulisan kapag magtutungo sa mga demolisyon o nasa gitna ng demolisyon na malinaw sa guidelines ng CHR at maging sa Urban Devt., and Housing Act (UHDA).

Bunga ng naganap na karahasan, magpapadala ng tauhan ang CHR sa pinangyarihan ng demolisyon para umpisahan na ang pagsisiyasat at hihingi rin sila ng video footage ng TV networks para makita ang nakunang nagpaputok ng baril na pulis.

Nauna rito, sumiklab ang madugong demolisyon sa Silverio Compound, San Isidro, Parañaque matapos tumutol ang mga urban poor community sa naturang lugar sa pagdemolis sa kanilang mga bahay.

Kaugnay nito, mariing binatikos ng mga militanteng grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at AnakPawis Partylist ang madugong demolition sa Silverio Compound.

Sinabi ni Anakpawis Partylist Rep. Rafael Mariano na malinaw na may paglabag sa rules and engagement at maximum tolerance na isinagawa sa naturang demolition na nagresulta ng madugong komprontasyon sa pagitan ng mga residente at mga pulis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply