Karengkeng talaga si Mahal!

MATAGAL naming hindi nakita o napanonood si Mahal sa telebisyon na ang dahilan pala ay mas marami siyang raket na out of town shows kung saan ay in demand ang babaeng bulilit.

Nakausap namin siya sa taping ng Mommy Elvie@18 na pinagbibidahan ng mag-inang Elvie at Ariel Villasanta at naitanong namin sa kanya kung kamusta na ang kanyang love life.

“Sa ngayon wala, dahil busy ako sa mga shows. Pero crush ko ‘yun.” ayon kay Mahal, sabay hagikhik at nguso sa kinatatayuan ni Ariel.

Natawa na lang kami ng malakas dahil naniniwala na kami sa tsismis na may pagkakarengkeng ang dating girlfriend ni JimBoy na ngaun ay JimGirl na.

Nag-guest kasi si Mahal sa show nina Mommy Elvie at Ariel at sobra ang ibinigay na atensyon sa kanya ng komedyante kaya siguro nagkagusto siya rito. Pero hindi kaya siya natatakot na mademanda?

Grabe ang eksena ng dalawa dahil laging karga ito ni Ariel at sasakit ang tiyan n’yo dahil sa tawa pa lang ni Mahal ay mahahawa na kayo. Sa sobrang saya ng naturang episode ay magkakroon ito ng 2 part na mapanonood ngayong Sabado 11:30 am sa GMA News Channel 11 sa direksyon ni Aleah Aliporo-Eugenio para sa AV Productions.

Maging ang asawa ni Ariel na si Cristina Castillo Villasanta ay naaliw nang husto kay Mahal at gusto pa nga itong ampunin.

***

ISANG magarbong selebrasyon ang magaganap ngayong Biyernes, April 21 sa Kapitolyo ng Sta Cruz, Laguna kung saan ay ang pagbubukas ng ikalawang taon ng La Laguna Festival o Festival of Life na unang inilunsad noong nakaraang taon ni Laguna Governor Jeorge ER Ejercito Estregan.

Magkakaroon ng iba’t ibang activities na lalahukan ng iba’t ibang bayan sa Laguna kung saan ang bawat produkto ng bawat bayan ay makikita sa isang exhibit.

Ang pinaka highlight ng naturang festival ay ang “Ginoong La Laguna Festival” na magkakaroon ng coronation sa April 28 at sa April 29 naman ang coronation night ng tatanghaling Lakambini ng La Laguna Festival.

Marami ang dumarayo mula sa iba’t ibang bayan at probinsya maging mga dayuhang turista para mapanood at makita nila ang nasabing festival.

Isa lamang ito sa makabuluhang proyekto ni Gov. ER para ipajkilala at maipagmalaki ang kanyang minamahal na probinsya kung saan binibigyan nito ng importansya ang likas na yaman at produkto maging ang mga magagandang pasyalan sa naturang lalawigan at higit sa lahat ang pagpapairal nito ng proteksyon sa kalikasan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply