Karnaper, buyer arestado sa nakaw na motor

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District-Anti-Carnapping and Hi-Jacking Section ang isang karnaper at buyer ng nakaw na motorsiklo sa Ermita, Maynila kagabi (Abril 26).

Ayon kay P/C Insp.Ariel Caramoan, hepe ng MPD-ACHS, hindi na nakapalag sina Joe Raffy Pera, taga-Bayanihan corner Mulawin sts., Maricaban, Pasay City at Jomar Abrasaldo, massage therapist at taga-Arquisa St. Ermita, Maynila ng palibutan ng mga awtoridad, habang isinasagawa ang transaksyon sa bentahan ng motor.

Nauna rito, nakatanggap ng imporamsyon si Caramoan kaugnay sa naturang transaksyon kaya agad na nitong inatasan sina PO3 Edgar Julian at PO2 Rocky Aguirre na pumunta sa lugar at beripikahin ang impormasyon.

Nang magpositibo ang impormasyon ay agad inaresto ng pulisya ang suspek at nalaman na ang ibinebentang kulay itim na Hoonda XRM na may plakang 3808_PN ay pag-aari ng isang Nicolas Pata Jr. ng Blk. 10 Lot 88 St. John, Maricaban, Pasay City.

Nabatid na inireklamo sa Pasay Police ang pagkawala ng nabanggit na motorsiklo habang nakaparada ito sa harap ng bahay ni Pata nitong Abril 24

Itinurn-over naman ang mga inaresto sa Pasay Police para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply