Kasarian ng papalit kay Lagman ‘di mahalaga

AYOS lang sa Malakanyang kahit ano ang kasarian ng bagong itatalagang Comelec commissioner kapalit ni Gus Lagman.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi importante sa palasyo ang kasarian ng appointee basta pasok sa kuwalipikasyon.

Matatandaang sinabi ni  Commissioner Rene Sarmiento na gusto sana nila ng babae na abogado at may magandang track-record ang ipapalit kay Lagman na makakasama sa komisyon.

Aniya,  dahil isang IT expert si Lagman, dapat ding katulad nito ang ipapalit sa kanya para mapunan ang iiwang trabaho.

Sa kasalukuyan, hindi pa raw nito nakikita ang mga pangalan ng mga nominado na isinumite ni Comelec Chairman Sixto Brillantes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply