Landlady itinumba dahil sa away sa lupa

AWAY sa lupa ang sinisillip na motibo ng pulisya sa pagpatay sa isang landlady sa Quezon City kagabi (Abril 18).

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Corazon Santos, 65-anyos ng Sarmiento St., Barangay Sta. Monica, Novaliches.

Hindi naman namukhaan ng mga nakasaksi ang itsura ng dalawang armadong lalaki dahil kapwa ito nakasuot ng helmet at lulan sa walang plakang motorsiklo nang ikasa ang krimen.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidednte dakong alas-8:00 kagabi sa tapat ng sari-sari store ng biktima sa may Sarmiento Street Barangay Sta. Monica.

Bago ito, nagpapahangin sa tapat ng kanyang tindahan ang biktima nang sumulpot ang mga suspek at saka dalawang ulit na binaril ang matandang biktima.

Hindi pa nakontento, bumaba pa sa motorsiklo ang nakaangkas na suspek at saka pinutukan uli sa ulo ang biktima bago tumakas.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ang tatlong basyo ng kalibre 45.

Patuloy ang imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply