Kasong ghost employee, ghost project tulog sa OMB

MISYON AKSYON, minsan na pong nailabas ninyo sa inyong kolum ang ukol sa mga ghost employee sa Quezon City na sa katunayan ang naisampa na sa tanggapan ng Ombudsman.

Sa ngayon, mukhang mababaon na lamang sa limot ang makontrobersiyal na kasong “GHOST EMPLOYEE at GHOST PROJECT” na kinanasasangkutan nina Konsehal Francisco Boy Calalay Jr. ng unang distrito, Konsehal Roderick Paulate ng ikalawang distrito at Konsehal Marvin Rillo ng ika-apat na distrito ng Lungsod Quezon.

Katunayan isinampa ang kasong graft and corruption laban kay Boy Calalay at sa dalawa pang konsehal nitong nakalipas na taon, Marso 2011, at isinampa ito sa office of the Ombudsman na may Case No. CPL-11-0168, upang magsagawa ng imbestigasyon base sa reklamo ni Jimmy Lee Davis ng BFP Compound, East Avenue, Brgy. Central, Quezon City.

Ang mga tao ay nakapangalan sa job order/payroll subalit nang puntahan nang personal ng isang TV program, nabatid na walang kinalaman ang tunay na may-ari ng pangalan at umano`y ginagamit siya ng mga akusadong konsehal upang makakolekta ng pera mula sa pondo ng Quezon City Government.

Sa kanyang apat na pahinang sinumpaang salaysay, bukod sa gumagamit ng pangalan ng tao sina Konsehal Boy Calalay, Rillo at Paulate, umano`y pinipeke pa umano ang pirma ng may fictitious name na umano`y ghost employee nila.

Ilang tiwaling staff na kasabwat ng mga akusadong Konsehal ang umano`y gumagawa ng Personal Data Sheet (PDS) na kargado ng mga “fictitious” na pangalan at mga litrato at gagawan na ito ng payroll/job order na nagkakahalaga na hindi bababa sa P800,000 monthly na kukubrahin ng tanggapan nina Boy Calalay, Paulate at Rillo.

Maging ang mga seminar, meeting at special project ay ginagawa na lamang din ng “black in white” documents, sa kabila ng katotohanang  wala talagang naganap na seminars, meetings at special projects. At ito  ay ginagawa nilang “materyales” upang kanilang “ma-justify” kung paano nila inuubos at nilulustay ang pondo mula sa kanilang Maintenance and other Operating Expenses (MOOE). Kahit na nakalaan ito bilang pondo sa pangangailangan ng kanilang mga constituent.

May nakalaang pondo taon-taon na P43 milyon kina Calalay, Rillo at Paulate. Sa laki ng pondo na inilalaan ng Quezon City Government para ipaglingkod ito sa mga residente sa Quezon City ay hindi nakararating dahil hanggang ngayon ay mataas pa rin ang antas ng mga walang trabaho.

Misyon Aksyon, kung sa tanggapan ng ombudsman ay  hindi gumugulong ang reklamong inihain laban sa  mga taong gumagawa ng  katiwalian …paano na po kaya mabibigyan ng  katarungan ang  mga  pobreng  mamayan?. Akala  ko po ang  gobyerno ni Pinoy ay tuwid  na daan… iyon  po pala  ay  balubaluktok ang  tinatahak na daan.

Gumagalang
Concern Citizen.

Paging Ombudsman Chairman at Pangulong Pinoy mga Sir. Mukhang hindi po maganda ang sistemang  nangyayari  sa  tanggapan ng Ombudsman, kasi hindi raw  gumugulong ang kasong inihain  sa tatlong  konsehal ng  Quezon City na may  katiwalian gaya ng “Ghost  employee at ghost  project”….aba  mga  sir,  di po ba sabi  ng  inyong boss  ay ang inyong boss  ang  publiko   bakit hindi umusad  ang kaso  bagkus natutulog ito…kayo  rin baka  magalit  sa inyo ang bayan.at  sa tatlong konsehal ng Quezon City…. mga  sir. totoo po ba ang paratang  sa inyo?..

Bukas po ang aking kolum para sa  inyong panig at kapaliwagan.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.

Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223

EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com,  www.tiradabalita.com,arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil12@gmail.comathttp://misyonaksyon.blogspot.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply