Kasong theft ni Rama vs Nadia, ibinasura na

IBINASURA na ng San Juan prosecutor’s office ang kasong pagnanakaw na isinampa ng talent manager na si Annabelle Rama laban sa aktres na si Nadia Montenegro.

Sa kanyang reklamo, inakusahan ni Rama si Montenegro ng pagnanakaw ng mga appliances at iba pang home fixtures na kanyang pag-aari noong 2010.

Ayon sa resolusyon ng piskalya sa kaso, walang sapat na ebidensya para suportahan ang elagasyon ni Rama dahil wala namang naganap na aggressive action o force para makuha ang mga nasabing gamit sa bahay.

Pagtatanggol naman ni Montenegro na ang mga nasabing kinukuwestyon na mga appliances ay regalo sa kanya ni Rama na may ilang taon na ang nakararaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply