Katrina Halili manganganak sa September sa first baby nila ni Kris Lawrence

NAGTAPAT na sa Star Talk si Katrina Halili na manganganak na siya sa September at excited na raw siya sa kanyang first baby. Parehong ipinaalam nina Katrina at Kris sa kani-kanilang parents ang pagbubuntis ng aktres.

Pinaglihian nito ang kare-kare at iba pang Pinoy foods. Hindi naman daw nahirapan si Katrina sa kanyang pagdadalangtao na ngayo’t three months na.

o0o

NAIKWENTO ni Michael V na may hawig daw sa tunay na buhay niya ang istorya at ending ng Pepito Manaloto. Kasi ba naman ay galing din sa hirap si Michael V na nag-aral sa public school. Tumira ang pamilya nito sa Tenement Homes sa Taguig. Dahil matalino siya, nakapasok siya sa Manila Science High School kung saan grumadweyt siyang valedictorian. Ang kolehiyo naman niya ay sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila kung saan nakakuha siya ng cum laude sa kursong Mass Communications.

Sa ngayon ay hindi lang sa Metro Manila may bahay si Michael V. May bahay rin siya sa California na ang halaga ay milyones. Lahat ng patuloy na pagkita ni Michael V ay buhat ng kanyang pagsisikap bilang comedian, singer at writer.

Sa Pepito Manaloto, nanalo ng lotto ang character niya ng P750 million. Naging daan ito para matikman niya ang buhay mayaman. Tapos, napalago niya ang pera sa istorya bilang businessman hanggang maging multi-millionaire siya at magkaroon ng maraming property.

Pero kaiisip ni Pepito, kung ano-ano ang napananaginipan niya. Ano kaya itong panaginip niya? Ito na kaya ng magiging istorya ng bagong kapalit na comedy show ni Michael V?

o0o

KUNG hindi lumalabas si Elmo Magalona sa Tween Hearts na tampok na istorya ng Reel Love!, balitang makakasama naman niya ang bida ng Tween Hearts na si Barbie Forteza sa isang bagong show ng GMA-7.

Kung matutuloy ang pagsasama ng dalawa, bagong love team sina Barbie at Elmo sa bagong programa. Tiyak gagawa ito ng ingay dahil first time na magkakaroon ng bagong ka-love team si Barbie.

First time at until now ay ka-love team ng dalagita si Joshua Dionisio at naka-walong programa na sila sa GMA bilang loveteam. Simula na kaya ito ng pagbuwag ng tambalan nilang dalawa?

Ngayong Linggo ay panibagong pakikipagsapalaran ng mga kabataan sa kanilang pagbabakasyon sa school at lalong maintriga ang relasyon nina Barbie at Joshua, Jake Vargas, Bea Binene at iba pang love team.

o0o

PAPASUKIN na rin ni Sen. Bong Revilla ang straight drama soap opera na Indio. Balitang sa second quarter of the year na sisimulan ng action superstar ang soap na may tentative working title na Indio.

Dahil sa soap, papasok na talaga sa drama si Bong, na matagal na raw niyang gustong gawin sa telebisyon.

At any rate, enjoy pa rin si Bong bilang magaling na host ng Kap’s Amazing Stories kung saan tampok pa rin ang Frozen Planet. Itutuloy ang kwento ni Bong sa hirap na dinaranas sa paggawa ng footages na kailangan sa paggawa ng documentary sa North at South Polls.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply