Kawalan ng umento sa sahod binatikos ng ALAM

BINATIKOS ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) ang gobyerno dahil sa kawalan ng malasakit sa karaniwang manggagawa.

Ito ay reaksyon sa pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang aasahang umento sa sahod ang mga empleyado ng pribadong kompanya sa Metro Manila sa pagdiriwang ng Labor Day.

Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, matagal nang hinihingi ng mga manggagawa ang umento sa sahod dahil kapos na kapos na ang kanilang kinikita, ngunit nagpahayag si DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na sa Mayo 26 pa sila mag-aanunsyo ng desisyon sa wage hike petition ang Regional Tripartite Wage and Productivity Board ng National Capital Region (RTWPB-NCR).

Ani Yap, dapat ay noon pa nagkaroon ng public consultation at deliberasyon ang Wage Board.

Ayon naman kay ALAM President Berteni Causing, napakatagal magdesisyon ng gobyerno kapag umento sa sahod ang pinag-uusapan, ngunit napakabilis naman kapag nagdadagdag ng buwis.

Nagtuturuan pa ang DOLE at RTWPB-NCR at sinabi pang iaakyat ito sa National Wages and Productivity Commission (NWPC).

Aniya, sunud-sunod na ang hirit na umento ng mga manggagawa dahil nahihirapan na talaga ang mamamayan sa sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo, mga pangunahing bilihin, at kamakailan lamang ay ang pamasahe.

Ani Causing, hindi magrereklamo ng ganito ang mga Filipino na sanay magtiis ng hirap kung hindi sila nahihirapan, kaya dapat lamang na pakinggan ang kanilang hinaing.

Kakapusan din ang sanhi kaya tumataas ang crime rate sa bansa, at kung bakit dumarami rin ang namamalimos sa kalye.

Matatandaang sinusuportahan ng ALAM ang hinihinging P98 hanggang P125 na umento ng mga manggagawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply