Holdaper dedo sa parak sa Makati

TODAS ang isa sa dalawang holdaper makaraang mabaril ng pulis sa South Bound Lane ng Edsa sa Guadalupe kagabi (Abril 23).

Batay sa inisyal na ulat, sumakay ng bus ang dalawang holdaper at pagsapit sa tapat na Loyola ay nagdeklara ang mga ito ng holdap.

Sakto namang sakay din pala sa bus si PO2 Robert Baylon ng Marikina PNP.

Nabaril ni Baylon ang isang holdaper habang nakatakas naman ang kasama nito.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari habang hinahanap ang nakatakas na holdaper.

Kaugnay ng pangyayari, inihayag kaninang umaga ng Makati PNP na bibigyan nila ng parangal si Baylon.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply