Kawawa sina kapitan

ALAM ba ninyong hindi madali ang maging kapitan o chairman ng barangay?

Kung kapitan o chairman ka, maghanda-handa ka na para sa 24 oras na serbisyo publiko.

Hindi lang yan. Maghanda-handa ka na rin ng sobra sa suweldo mo na panggastos bilang kakambal ng serbisyo mo.

oOo

Suwerte ang mga kapitan o chairman na hindi gaanong namamatayan ng nasasakupan o binabalot lagi ng disgrasya gaya ng mga baha at lanislayd.

Suwerte rin silang may maliliit na bilang ng nasasakupan.

Kung nagkataon na ibinoto siya sa barangay na palaging may namamatayan o nagkakasakit o dinaraanan ng mga kalamidad, malas lang niya.

At kung libo-libong pamilya ang kanyang nasasakupan dahil tiyak namang marami ang nagkakasakit o araw-araw siyang namamatayan.

Dito siya mabubutasan ng bulsa hanggang sa bumaligtad na lang ang lahat ng kanyang bulsa nang walang laman maging para sa kanyang pamilya.

Ganyan katindi ang buhay ng isang kapitan.

Kaya naman, maraming kapitan ang nag-iisip kung paano magkakaroon ng ekstra na kita para lang kay Juan.

Bahala na kayo, Suki, kung ano-ano ang mga remedyo ni kap o tserman dito.

oOo

Sa ngayon, may kakilala akong tserman na hindi na yata nauubusan ng nasasakupang patay.

At kamalas-malasan, nakararami ang talaga namang hindi makayanan ang serbisyo ng punerarya.

Bukod kasi sa punerarya, ang dami pang nangangariton.

Nangangariton ang tawag sa mga gusto lagi ang libreng pagkain sa lamay, piyesta at iba pa at pabalot pa.

Purdoy ang bagsak ni tserman sa ganitong sitwasyon.

Kaya ang ginagawa ni tserman at kanyang mga kagawad?

Tumatakbo sila sa mga nagpapasaklang-patay at iba pang nagpapasugal para may panggastos ng mga naulila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply