Kaya hindi nasundan ang project sa TV5… Ate Guy pelikula ang gustong gawin ‘di teleserye

KAKAKIBA talaga si Nora Aunor. Sa kabila nang kawalan niya ng datung, namimili pa siya ng trabaho. Ayaw daw muna niyang gumawa ng teleserye dahil pelikula ang gusto nitong gawin. Isa pa’y hindi raw siya magandang tingnan on TV dahil mataba raw siya ngayon. Kailangan daw niyang mag-diet para okey ang dating sa boobtube.

Kaya pala hindi nasundan ang project nito sa TV5 dahil s’ya rin ang may ayaw. O, baka naman natatakot siyang mag-flop na naman sa rating?

May mga Noranians naman na pabor sa desisyong ito ng kanilang idol. Nababastos daw kasi ito at nagiging cheap sa Singko dahil kung anu-anong oras nasisimulan ang serye nito at inaabot pa ng hatinggabi.

Sabagay, hanggang patuloy na nagpa-power trip si Willie Revillame, hindi talaga magkakaroon ng magandang timeslot ang lahat ng programa sa Kapatid. May domino effect kasi ito.

Mag-overtime lang ng kalahating oras ang maangas na TV host, buong programa nila sa gabi ay maga-adjust lahat patungo sa graveyard shift. Hehehe!

Hirap talaga ng mga taong walang respeto sa kanilang kapwa. Ang iniisip lang ay ang sarili nilang kapakanan.

Anyway, para pakunswelo-de-bobo naman sa nagtatampong fan, supporter at ex-manager na si German Moreno, payag daw si Nora sa plano ng una na gumawa sila ng project Si Ate at si Kuya ang magiging titulo nito. Hindi pa malaman kung pelikula ba ito o show sa telebisyon. Hindi kaya mas akmang titulo ay Si Lola at si Ate? Joke lang Kuya Germs! Hahaha!

At kagaya ng inaasahan, hindi natuloy ang sinasabing concert ni Ate Guy ngayong May dahil babalik ulit siya sa US for another throat examination. Baka sa October na lang daw ito mangyayari.

Bago naman daw tumulak papuntang US ang beteranang aktres ay tatapusin muna nito ang indie film na “Thy Womb” na sa Tawi-Tawa pa ang naging setting at si Brillante Mendoza ang direktor.

***

Nagpakumbaba si Ate Vi

NAGPAPASALAMAT si Batangas Governor Vilma Santos sa effort ng isang kongresista na isulong sa Kongreso ang pagpili sa kanya para gawing National Artist, pero magalang din niya itong tinanggihan dahil bago raw s’ya, unahin muna si Dolphy. “Salamat sa tiwala! Tito Dolphy deserves it more. 200%. Thank you,” ito ang naging tugon ni Ate Vi.

Ibang klase talaga ang Star for All Seasons. Iniisip muna ang iba bago s’ya. Kung tutuusin, kung may karapatan ang Comedy King meron din naman s’ya. Kaya lang ang iniisip n’ya ay mas nauna namang di hamak sa kanya si Tito Dolphy, at siyempre, respetado niya ito.

***

ANG anak mo ba’y may mga katangian ng isang Kapamilya star? Hasain ang kanyang talento sa pagpunta sa Promil Pre-School i-Shine Talent Camp workshops ngayong April 22 sa SM North Edsa Skydome. Matuto sa Star Magic workshops na isasagawa ng pinakamagagaling na talent coaches ng ABS-CBN at mag-enjoy sa iba pang activities ng libre. Magdala lang ng katibayan ng pagbili ng Promil Pre-School pack size at isang valid ID ng bata at birth certificate.

Maaari ring makapag-perform ang inyong anak ng live at maaaring maging entry na ito sa i-Shine Talent Camp. Ito na ang oportunidad na inaantay ng marami para sa inaasam-asam na Star Magic contract. Bukas ang i-Shine Talent Camp workshop sa mga batang may edad 3 to 7.

Para sa mga detalye, mag-logon sa facebook.com/promilpreschool o tumawag sa Wyeth Careline at 8199384.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply