Kelot binoga, patay

PATAY ang vegetable dealer matapos barilin habang nakatayo sa kalsada sa Navotas kaninang tanghali, April 15.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa pisngi si Red Wine Mondejar, nasa hustong gulang, ng Tondo, Manila .

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas na Jr., ng lungsod.

Sa ulat, alas-12:45 ng umaga, nakatayo ang biktima sa Daang Banco. San Roque, naturang lungsod nang lapitan at barilin ng suspek.

Agad na tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing magamutan .

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis upang madakip ang suspek.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply