Kelot binoga, tepok sa Pasay

PATAY ang isang lalaki matapos barilin ng dalawang lalaki kaninang umaga sa Pasay City.

Natagpuang patay ang biktima na nakilalang si Jay Tupas, nasa pagitan ng 33 hanggang 35 taong gulang, sa harap ng establisimyento sa No. 2657, Zamora Street sa Pasay City.

Nabatid sa imbestigasyon nakasakay sa tricycle ang biktima nang habulin ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo.

Hinablot ng naka-angkas na lalaki ang biktima sa loob ng tricycle saka binaril.

Hindi naman namukhaan ng mga nakakita ang mga suspek pero sinabing nasa edad 20 ang mga ito.

Ayon naman kay PO3 Rodolfo Soquiña ng Pasay City Police, nakilala nila ang biktima sa Pasay City General Hospital na una na nang ginamot doon kaninang madaling araw matapos gulpihin ng mga hindi nakilalang mga suspek sa Malibay.

Batay sa imbestigasyon, nanggulo ang biktima dakong ala-1:00 ng madaling araw, kaya ito ginulpi.

Hindi pa naman malaman ang dahilan kung bakit ito nagwala.

Aalamin naman ng awtoridad sa closed-circuit television (CCTV) ng establisimyento sa Zamora St. kung nakuhanan ang krimen.

Iimbestigahan din ng mga awtoridad kung paano nakaalis sa ospital ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply