Kelot kalaboso sa itinanan na GF na bubot

SWAK sa kulungan ang isang kelot matapos itanan ang menor-de-edad na nobya nitong Biyernes Santo ng gabi sa Caloocan City,  nang mabawi ng mga magulang ng huli sa Mac Arthur highway Valenzuela City.

Naharap sa kasong abduction of minor at nakapiit na sa Caloocan City police detention cell si Josel Teves, 24, pahinante ng Sumpang Trucking, ng Bukid, Parada Valenzuela City.

Nabawi mula sa suspek ang biktima na itinago sa pangalang Juvy, 15, 3rd year high school ng Barangay 122, Caloocan City.

Sa ulat, alas 11:00 ng gabi nang mapagkasunduan ng una at huli na magkita  malapit sa bahay ni Juvy sa Barangay 22, saka hindi na iniuwi ng suspek si Juvy sa loob ng magdamag at buong araw ng Sabado de Gloria.

Alas-4:00 ng hapon ng Sabado de Gloria nang nakipagkasundo ang magulang ng biktima sa suspek na  makipagkita sa overpass sa nasabing lugar kung saan kanilang ipinadampot ang suspek.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply